Monday, August 17, 2015

Espiritu ng Kasipagan


      First term of my last year in college ..

    As a graduating student, expected na sa amin ang overload na paperworks at kaliwa't kanan na deadlines ng pasahan ng accomplishment reports. Maluwag naman sana ang ang schedule ko ngayong term dahil may mga araw na libre sa isang buong linggo ko. Maximum of 2 days a week, panigurado bakante talaga ang mga araw na iyon para matapos ko ang mga dapat tapusin.


     Pero nasaan na nga ba ang espiritu ng kasipagan at mukhang nilisan na naman ang aking katawan? Di naman ako ganito dati. Noong high school palang ako nagagawa ko naman ang mga portfolio's, articles and Kayumanggi ko sa Filipino na abot sa leeg ko ang sasagutan. Pero anong nangyayari saken ngayon, nandito na naman ako sa tapat ng laptop ko. Nagsusulat ng nasa isip ko kasi di na naman ako makapagsimula sa outline ng field practice ko. Abay! Alam niyo bang umiyak pa ko kanina kasi di ko na talaga alam ang gagawin ko? Hanapin niyo naman ang espiritu ko please!

     Paano kasi dati, di naman lahat ng dapat ipasa sa computer o laptop ginagawa di ba? Kelangan mo talagang paganahin yung kamay mo sa pagsusulat. Kahit mukhang kinahig pa ng manok ang sulat mo  ee ok lang basta may output, May ok pa nga ang ganoon kasi ngayon kapag nakaharap ka na sa internet, naku, ang daming distractions. Dagdag pa ang ilaw ng monitor na humahatak ng antok sa mga mata ko. Ramdam niyo rin ba ang nararamdaman ko?
     Kahit naman mahirap dati humanap ng mga references sa mga assignments ko ee ayos lang. Kasi challenging yung bagay na yun sa part ko. Sa panahon kasi ngayon napagpapabukas ang gawain, paano isang click mo lang kay Google andyan na kaagad ang hinahanap mo. Si Mr. Right na nga lang ata ang mahirap hanapin ee.

No comments:

Post a Comment